Makikipag-ugnayan ang Armed Forces of the Philippines kay Sen. Imee Marcos matapos sabihin nitong may mga hypersonic missiles umano ang China na posibleng naka-target sa ilang lugar sa Pilipinas.
Pero sinabi ng National Security Council na wala silang na mo-monitor na anumang banta sa seguridad ng bansa.
Giit naman ng Department of National Defense, hindi pa nila nakikita ang mga planong tinutukoy ni Sen. Marcos.
Samantala, tinawag naman ni Maritime Expert Atty. Jay Batongbacal na speculation na walang basehan ang sinasabi ng senadora.