Naibahagi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na ang isang Chinese rubber boat sa Ayungin Shoal bago ang bago nitong tangkang panghaharang sa matagumpy na resupply mission ng Philippine Navy.
Sa Saturday News Forum – sinabi ni AFP spokesperson Col. Medel Aguilar na isa sa mga Rigid Hull Inflatable Boats ng China ay nabuhol sa isang fishing line habang binubuntutan nito ang mga barko ng Pilipinas.
Nang alukin daw nila ito ng tulong ay tumanggi ang China.
Dahil dito – nagulat daw ang mga tropa ng Pilipinas dahil sinisi pa sila sa naturang insidente.
Tinawag naman ni Aguilar na ‘misplaced’ at ‘bully’ ang presensya ng Chinese Coast Guard sa West Philippine Sea.