Wi-nelcome ng Armed Forces of the Philippines ang plano ng Pilipinas na payagan ang Japan troops na magsagawa ng military exercises sa pamamagitan ng kasunduan na katulad ng Visiting Forces Agreement o VFA ng bansa sa United States.
Sa pagbisita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Japan, sinabi ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na ang Maynila at Tokyo ay nasa general direction ng pagbuo ng isang kasunduan tulad ng VFA.

Ayon sa tagapagsalita ng AFP na si Col. Medel Aguilar, ang planong VFA sa pagitan ng Japan ay magiging kalamangan sa AFP.
Idinagdag pa niya na kung sakaling umunlad ang talakayan patungkol rito, ang Maynila at Tokyo ay maaaring magsimulang bumalangkas ng fine print agreement.
Ang plano ay dumating habang inihayag ng MalacaƱang na si Pangulong Maros ay pinagpa planuhan din na pumasok sa isang tripartite agreement sa matagal nang kaalyado ng bansa na US at Japan.//CA