Aga Muhlach at Charlene Gonzales, road to recovery na matapos mahawa ng COVID-19

Nagpositibo sa COVID-19 ang mag-asawang sina Aga Muhlach at Charlene Gonzalez sa US, pero nasa road to recovery narin umano sila tulad ng iba pang mga celebrities na nahawa sa virus.

Nagpapasalamat naman si Gonzalez na siya ay fully vaccinated.

Kaugnay nito, ang anak naman nilang si Andres na kasama nila sa holidays na fully vaccinated ay agad umanong nag-isolate, bagama’t negatibo sa kanyang PCR test.

Pagbabahagi pa ng dating beauty queen, na nagsimula siyang makaranas ng sintomas gaya ng pagkahilo at fatigue noong Dec. 30, 2021, na bagama’t negatibo para siya sa panahong ito ay agad umano siyang nag-isolate.

Samantala, noong Jan. 4 hanggang 5 naman nang maramdaman naman ni Aga ang mga sintomas ng virus, kung saan sa pagtest nilang pareho, ay positive ang resulta.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *