Agency ng Palaweñang OFW na di umano ay tumalon sa gusali sa Saudi, nangako ng tulong sa pamilya

Nangako ng tulong sa pamilya ang employment agency na Dominion Overseas Management Euro-Asia Corp. (Domec) matapos ang sinapit ng isang Palaweñong OFW sa Jeedah, Saudi Arabia.

Ayon kay Atty. Mark Alcala, sasagutin nila ang gastusin sa pamasahe at iba pang mga kakailanganin para may kasamang kaanak ang OFW na si Flordelyn Gorospe sa ospital.

Sa kabila nito, ikinalungkot umano ng agency ang sinapit ng Palaweña pero patuloy ang kanilang pag-iimbestiga kung totoong tinangka nitong tumalon sa pinagtatrabahuan o hindi nitong March 14, 2023.

Samantala, tinitiyak umano ng agency na tutulong sila sa OFW at sa pamilya nito hanggang sa ito ay maaari nang mapauwi sa Pilipinas mula sa Saudi.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *