Nagtapos na sa pagsasanay sa Farm Business School ang miyembro ng Samahang Magsasaka ng Nagbunga sa bayan ng San Marcelino.
Ito ay makaraang sumailalim sa pagsasanay kung paano maging matagumpay na negosyante sa larangan ng pagsasaka.
Ang mga benipisyaryo ay tumanggap pa ng asarol at iba pang pangunahing kagamitan noong December 3 para masimulan na ang natutunan.
Ayon kay PARPO II Engr. Manny Aguinaldo, hindi lamang mga baguhang magsasaka ang tinatanggap na trainees kundi pati ang mga matagal nang nagsasaka na nais matuto ng pamamaraang tekniko at magkaroon ng kanilang sertipikasyon.//Russell Banawa-BNFM IBA
Photo Courtesy: Dar Zambales