Agriculture group: imbestigahan ang labis-labis na presyo ng mga pulang sibuyas sa merkado

Nanindigan si Samahang Industriya ng Agrikultura o SINAG chairperson Engr. Rosendo So na kailangan nang alamin kung bakit tuloy sa pagsipa ang presyo ng pulang sibuyas sa merkado.

Ito ang sinabi ni So sa gitna ng mga na-monitor na presyo ng red onion sa ilang mga palengke kung saan ay lumobo na ito sa mahigit P500 kada kilo.

Sa panayam, sinabi ng agri group president na dapat daw ay nasa P430 hanggang P450 lamang ang kada kilo ng sibuyas.

Matatandaaang sa Laging Handa public briefing kahapon – nanindigan si Department of Agriculture (DA) deputy spokesperson Rex Estoperez na hindi pa rin option ang importation ng red onion.

Umaasa naman ang DA official na unti-utni nang kakalma ang presyo nito sa mga palengke sa mga susunod na buwan sa oras na bumaba na ang demand ng pulang sibuyas sa merkado.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *