Agriculture group – walang nakikitang problema sa pagbebenta ng ‘near expiring’ na bigas

Isang welcome development daw ang ‘Bigas 29’ ng National Food Authority.

Sa ilalim ng naturang programa, nakatakdang ibenta ang mga aging stock o yung mga near-expiring na mga bigas para sa mga vulnerable sectors.

Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) President Engr. Rosendo So, sinabi nitong wala naman silang masyadong problema rito dahil suportado ito ng gobyerno.

Pagdating naman sa kalidad at storage ng bigas sa ilalim ng naturang programa, nilinaw ni So na hindi naman magkakaproblema kung hindi pa nagigiling ang palay.

Una na ring sinabi ni Department of Agriculture Spokesperson Asec. Arnel De Mesa na habang tumatagal ang bigas – mas sumasarap.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *