Agriculture Usec. Sebastian, nagresign sa gitna ng kontrobersiyal na sugar importation

Nagbitiw na sa kanyang pwesto si Department of Agriculture (DA) Undersecretary Leocadio Sebastian, matapos sabihin ng Malacañang na iniimbestigahan na ito kasama ang iba pang Sugar Regulatory Administration (SRA) board officials.

Kaugnay nito, kinumpirma ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles ang resignation ni Sebastian na undersecretary for operations at chief of staff to the Agriculture Secretary: President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Mababatid na ang imbestigasyon ay nag-ugat mula sa Sugar Order No. 4— na nilagdaan ni Sebastian na nagpapahintulot sa importation ng 300,000 metric tons ng asukal nang walang pahintulot mula kay Marcos.

Sa kanyang one-page letter na may petsang Aug. 11, humingi ng paumanhin si Sebastian sa pag-apruba sa Sugar Order no.4 para sa pangulo, at sa pamamagitan umano ng kapangyarihan na ibinigay sa kanya.

Kaugnay nito, naging malinaw rin na ito ay hindi alinsunod sa gustong direksyon ng administrasyon para sa sugar industry.

Dahil dito, inaako ng Agriculture undersecretary ang pananagutan at responsibilidad para sa mga consequences nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *