AGUYOD LEARNING RECOVERY PROJECT, INULUNSAD SA TAYABAS CITY

Inilunsad na sa paaralan ng Tayabas West Central 1 sa Tayabas City ang Aguyod Learning Recovery Project nitong Lunes, Hulyo 25.

Nagbigay ng pangbungad na pananalita at pagbati si Principal Cherry G. Hugo sa mga kinder at grade 1 student na kalahok sa naturang programa at sa mga panauhin.

Ayon kay Cherry ang naturang proyekto ay masusing pinag aralan ng mga kaguran ng nasabing paaralan katuwang ang Department of Education of Tayabas City. Dagdag pa aniya layunin ng proyekto na maihanda ang mga guro, magulang at lalo’t higit ang mga batang mag aaral bilang nalalapit na ang face-to-face class ngayong buwan ng Agosto

Kaugnay nito may iba’t ibang aktibidad na inihanda ang mga guro sa iba’t ibang baitang ng naturang eskwelahan upang maihanda ang mga bata sa larangan ng aspetong social, emotional at mental.

Sa gitna nito, upang masiguro pa rin ang pagsunod sa mga health protocols at upang matiyak ang kaligtasan ng mga batang makikilahok ay naglaan umano ng nakatakdang araw ang mga guro kung kailan isasagawa ng iba’t ibang baitang ang mga naturang aktibidad. | via Nhiecole Abejo/BNFM Lucena

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *