Ahente ng STL, hinuli ng pulisya sa bayan ng Quezon

Arestado ng pulisya ang isang FELIX CALINAWAN y BELARMINO, 47 anyos na ahente ng Small Town Lottery o STL sa Purok Bonggavilla, Brgy. Alfonso XIII, Quezon, Palawan.

Nitong nakalipas na Biyernes bandang alas- sais ng gabi nang magsagawa ng Joint Police Operation ang Quezon PNP kasama ang Provincial Intelligence Unit sa isang illegal gambling activity o bookies.

Nagpanggap na bettor o tataya ang isa nilang operatiba at matapos na matanggap ni Felix ang taya nito na singkwenta pesos at magbigay ng resibo ay doon na siya inaresto ng pulisya.

Nakuha sa suspek ang mga ebidensya tulad ng lastillas o stamp, draw tickets, mga ID, cellphone at mga pera na aabot sa Php1,570.00.

Samantala, nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Presidential 1602 o Illegal Gambling.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *