Airlines, humihingi ng greater mobility para sa mga bakunado na kontra COVID-19

Humingi ang ilang airlines ng tulong kay presidential adviser for entrepreneurship Joey Concepcion upang maisulong ang mas malawak na mobility para sa mga bakunadong tao sa sektor ng transportasyon.

Ito ay upang matulungan ang industriya na makabangon mula sa epekto ng COVID-19 pandemic.

Sa isang pagpupulong na dinaluhan ni Concepcion, ay napag-usapan ng mga opisyal mula sa Philippine Airlines, Cebu Pacific, at AirAsia ang mga istriktong polisiya na ipinatutupad ng parehong national at local government.

Ipinunto ni Concepcion na para mag-survive ang mga nasabing kompanya ay kailangan ng mga ito ng sustainable na bilang ng mga pasahero lalo na sa industriya ng turismo.

Dahil dito ay hiniling ng mga airlines ang pagpapaluwag ng mga restriksyon para sa mga indibidwal na nakakumpleto na ng kanilang pagpapabakuna upang maisulong ang pagta-travel.

Kabilang rin sa mga isinusulong ng airlines ay ang pagtanggal ng maraming requirements para sa pagbyahe, lalo na kung para ito sa domestic destinations na nangangailangan ng negatibong resulta ng RT-PCR test, at mahabang quarantine period para sa mga pasahero ng international flights.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *