Airport toilet, dinagsa dahil sa hundreds million yrs-old fossils

China Naging instant tourist attraction ngayon ang toilet ng isang airport sa southwestern China dahil sa taglay umano nitong hundreds of million years old fossils.

Ayon sa local news report, kumalat ang matagal nang pinakatago-tagong balita matapos na ibinunyag ng isang paleontologist sa kanyang TV program na ang isang toilet ng Longdongbao International Airport ay may nakahalong fossils ng ito ay gawin.

Ipinakita pa nito ang larawan ng tinutukoy niyang fossils na nasa washbasin ng toilet.

“You can see the white patterns in the construction materials of the sink. These patterns are the fossils, belonging to the brachiopod fossil category which dates back to hundreds of millions of years ago,” wika ni Prof. Shen Shuzhong.

Hindi nito inaasahang magiging trending sa social media ang kanyang sinabi hanggang sa kumalat na online ang larawan ng naturang fossils.

Pinutakte naman ng tawag ang naturang airport na nagtatanong kaugnay sa umano’y fossil sa kanilang comfort room.

Ang posil o ‘fossil’ ay mga labing-bakas ng mga labi ng mga hayop, halaman, at ibang mga organismo mula sa malayong nakaraan o ilang milyong taon na ang nakalilipas. SCMP | Mike Salgado

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *