AJ Raval, nilinaw na ‘never’ nanligaw sa kaniya si Diego Loyzaga

Sinagot ng sexy star at content creator na si AJ Raval ang mga paratang sa kaniya ni Barbie Imperial kaugnay sa posibleng panliligaw sa kaniya ni Diego Loyzaga.

Sa isang interview ay binasag ng 21-anyos na si Raval ang kaniyang katahimikan, kung saan ay sinabi niya na “never” siyang niligawan ng 26-anyos na aktor.

Ipinunto niya na one time lang sila nagkasama, at ito ay sa set ng “Death of a Girlfriend.”

Kung maalala ay binatikos ng 23-anyos na si Imperial si Raval dahil sa pananahimik nito sa “blind item” ng social media personality na si Xian Gaza.

Ipinaliwanag naman ni AJ na hindi niya alam kung bakit siya nadamay sa mga alegasyon ni Gaza.

Iginiit niya na kung sakaling pumatol siya sa blind item ay parang pinahamak niya na ang kaniyang sarili.

Aminado naman si AJ na imbis na masaktan ay natatawa na lang siya sa alegasyon ni Imperial na gusto niyang maging “kabit” dahil tila ay sunod-sunod na ang mga kinasasangkutan niyang mga isyu.

Kamakailan lamang ay nasangkot si Raval sa isa pang kontrobersya na may kinalaman sa hiwalayan nina Aljur Abrenica at Kylie Padilla.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *