AKB partylist, aminado na bumaba ang nakuhang boto ngayong halalan 2022

LEGAZPI CITY – Aminado ang Ako Bicol Partylist na malaki ang nawala o naibawas na boto sa Pilipinas o maging sa Bicol Region sa katatapos lamang ng National and Local Elections 2022.

Ayon kay Cong. Atty Jil Bongalon, 2nd nominee ng AKB, bumaba ang nakuha nilang boto sa mga Bicolano ngayon halalan dahil sa may mga sumuporta rin sa ibang partido sa nasabing rehiyon.

Base sa datus ng Comelec umabot sa 816K votes ang kanilang nakuha.

Hindi rin inaasahan umano na kahit sa balwarte ng Camarines Sur ay pumangalawa na ito sa ranking at nakakuha pa rin ng malaking boto sa nasabing lalawigan.

Ang lalawigan ng Sorsogon at Catanduanes nakakuha pa rin ng boto ang partylist kung saan pumangala pa rito ito sa rangking.

Mas marami ang nakuhang boto ay mula sa Albay na may 192 votes, Camarines Norte 167K at Masbate.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *