Aktibong kaso ng COVID- 19 sa Camarines Norte mataas pa rin

CAMARINES NORTE- Mataas pa rin ang aktibong kaso ng COVID- 19 sa Camarines Norte na nananatili ngayon sa double digit.

Batay sa pinakahuling datos ng Provincial Health Office 51 pa ang aktibong kaso ng sakit sa lalawigan pero mas mababa ito sa mahigit 90 noong nakaraang linggo.

Tanging ang San Vicente lang sa labingdalawang bayan ang walang aktibong kaso sa ngayon.

Pinakamarami ang aktibong kaso sa Paracale na may 11 at ito lang din ang double digit.

Mayroong pitong aktibong kaso sa Jose Panganiban, anim sa mga bayan ng Daet, Talisay at Vinzons, lima sa Basud, tatlo sa Capalonga at Mercedes.

Sa kabuuan umaabot na sa 4, 619 ang naitalang kaso ng sakit sa lalawigan.

Noong 2020 sa unang taon ng pandemya ay nasa 149 ang naitala, 3, 019 noong 2021 at 1, 451 ngayong 2022.

Nasa  271 naman ang nasawi o 5. 87 percent habang 4, 297 o 93.03 percent ang gumaling.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *