CAMARINES NORTE- Sumampa na sa 90 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Camarines Norte, itoy matapos na muling makapagtala ng 6 na panibagong kaso ng sakit ngayong araw
Sa tala ng DOH Bicol, tig-dalawang kaso ang naitala sa bayan ng San Vicente at Talisay habang may tig-isang kaso naman ang bayan ng Daet at Labo
Sa ngayon ang lalawigan ay mayroon ng 281 total cases at 177 total recoveries
Haabang umakyat na sa 14 ang nasawi sa lalawigan matapos na may maitalang isang kaso ngayong araw
Nangunguna sa may pinakamarami ang bayan ng Daet na nakapagtala na ng 32 panibagong kaso ngayon lamang buwan ng Abril
Bunsod ng patuloy na pagtaas ng kaso sa lalawigan may ilang mga bayan na ang nagpapatupad ng granular lockdown, una na rito ang bayan ng San Vicente , gayundin ang bayan ng Capalonga habang nasa ilalim na ng GCQ o magpinahigpit na restrictions ang bayan ng Basud
Ngunit sa kabila nito tiniyak naman ni Governor Edgardo Tallado ang hindi pagpapatupad ng lockdown bagkus ang susundin lamang ay ang zoning containment strategy sa mga lugar na nakapagtala ng positibong kaso
