Aktibong kaso ng COVID- 19 sa Camarines Norte umakyat na sa 19

CAMARINES NORTE- Umakyat na sa 19 ang aktibong kaso ng COVID- 19 sa lalawigan ng Camarines Norte.

Batay ito sa tala ng Provincial Health Office bago matapos ang nakaraang linggo at muling magpapalabas ng update ang opisina ngayong araw.

Dahil dito umaabot na sa kabuuang 4, 671 ang mga naitalang kaso ng COVID- 19 sa lalawigan mula noong 2020.

Mula naman noong Enero nasa 33 na ang naitalang kaso kung saan pinakamarami ngayong buwan.

Ang mga aktibong kaso ng sakit ay nagmula sa Daet na may labingdalawa, tatlo sa Labo habang may tig iisang kaso sa Vinzons, Talisay, Paracale at Jose Panganiban.

Pinakamarami ang naitalang kaso sa Daet na mayroon nang kabuuang 1, 515.

Kabilang din sa limang munisipyo na nagtala ng maraming kaso ay ang Labo na may 695, Jose Panganiban 407, Basud 372 at Vinzons na may 366.

Umaabot naman sa 278 ang nasawi kung saan tatlo dito ay ngayong taon.

Pinakamaraming nasawi noong 2021 na may 218,  49 noong nakaraang taon at 9 noong 2020..

Nasa 4, 373 naman o 93. 62 % ang mga gumaling sa sakit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *