Aktibong kaso ng COVID-19 sa Camarines Norte umakyat na sa 33

CAMARINES NORTE- Umakyat na sa 33 ang aktibong kaso ng COVID- 19 sa lalawigan ng Camarines Norte.

Batay ito sa tala ng Provincial Health Office hanggang nitong Lunes, May 15, 2023 na ibinahagi sa Brigada News FM Daet ni Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco.

Ang mga aktibong COVID-19 cases ay nagmula sa bayan ng Daet na may 17, at 9 naman sa Labo.

Mayroon din sa   2 Talisay at Paracale habang nakapagtala naman ng tig-iisang aktibong kaso ang Basud, Sta Elena at Vinzons.

Dahil dito umaabot na sa 4, 687 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa lalawigan mula noong 2020.

Ang Daet any may pinakamarami na nasa  1, 520 na sinusundan  ng Labo na may 701.

Pasok din sa may pinakamaraming naitalang kaso ang Jose Panganiban na may 407, Basud 373 at Vinzons na may 367.

Umaabot naman sa 4, 375 ang mga gumaling sa sakit o 93. 84 %.

Ito na ang pinakamaraming naitalang kaso ng sakit mula noong Enero.

Kaya naman nagpaalala ang DOH at PHO na sundin pa rin ang minimum health protocols lalo na ang pagsusuot mng facemask.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *