Aktibong kaso ng COVID-19 sa Camarines Sur naibaba sa 39; DOH may babala

NAGA CITY- Naibaba sa 39 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Camarines Sur.

Ang bilang ay pinakamababa mula sa 83 active cases noong Nov 29 o noong nakaraang Lunes. Isa ang nagpositibo sa update nitong Dec. 6 residente ng Sto. Domingo Nabua. Kaya umabot na sa 13, 509 ang cumulative cases. 12, 937 rito ang gumaling na habang 533 ang binawian ng buhay.

Kasabay ng patuloy na pagsadsad ng kaso, pinailawan na ang mga ipinagmamalaking Christmas Display o mga Christmas Villages sa mga bayan maging sa kapitolyo sa Pili, na dinarayo ng mga bata man o matanda. Nagkakaroon rin ng zumba sa ilang mga bayan na dinadaluhan ng marami.

Babala ni Camarines Sur Provincial Office Dr. Rey Millena lalo pa sa mga local chief executives, huwag makampante dahil hindi pa naman naabot ang herd immunity. Huwag ding hahayaan ang mga gatherings na hindi nasusunod ang social distancing at inaalis ang facemask ng mga dumadalo.

Leave a Reply

Your email address will not be published.