Aktibong kaso ng COVID-19 sa Camarines Sur pumalo na sa 563; 9AM-4PM na provincial curfew hours ipinatupad

NAGA CITY- Pumalo na sa 563 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Camarines Sur matapos na madagdagan ng 65 bagong kaso nitong Lunes, nagdala ito sa cumulative cases na 2, 410.

Kaharamihan sa mga bagong kaso ang close contacts ng una nang mga positibo habang ang tatlo dito at early detected sa Del Gallego Border Control Point ayon sa record ng Environment Disaster Management and Emergency Response Office (EDMERO).

Dahil sa mataas na kaso, inilabas ni Governor Migz Villafuerte ang Executive Order No. 05 Series of 2021, sa Section 22 nakasaad ang curfew hours na 9:00 ng gabi hanggang alas to 4:00 ng umaga. Ang mga may emergency at mga “essential” na trabaho sa nabanggit na oras ay exempted sa curfew, epektibo na nag naturang kautusan.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga, pinakiusapan ni Liga ng mga Barangay President / ex-officio member Nelly Largo ang kapwa mga opisyal ng Barangay na mag-seryoso sa mga health and safety protocols lalo na sa pagbabantay sa mga pumapasok o lumalabas sa kanilang lugar. Maging alerto aniya ang mga nasa Barangay Control.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *