Aktibong kaso ng COVID-19 sa Camarines Sur umakyat muli sa 124; pagbubukas ng academic year malabong maapektuhan ayon sa DepEd

NAGA CITY- Umakyat muli sa 124 ang aktibong akso ng COVID-19 sa Camarines Sur base sa huling tala ng Environment Disaster Management and Emergency Response Office (EDMERO) mula sa 119 nitong nagdaang araw.

25 ang bagong kaso, ang mga ito ay mag residente ng Magarao, San Fernando, Pili, Iriga City, Milaor, Lagonoy, Baao, Libmanan, Pamplona, Bombon, Ocampo, Caramoan, Bato at Nabua.

20 naman ang nakarekober na. Sa pangkalahatan umabot na sa 16, 546 ang gumaling, 632 ang nasawi at 17, 302 ang cumulative cases.

Mataas man ang bilang, hindi gaano nababahala ang Municipal Health Office ng San Fernando , ayon kay MDRRM Officer Dr. Rommel Fajardo , mahigit 80% kasi ng kanilang populasyon ay bakunado na.

Samantala, ang DepEd Bicol naman naniniwalang handa na ang Camarines Sur Division sa pagbubukas ng Academic Year 2022-2023. May kaso man ng COVID-19 sinabi ni DepEd Regional Director Gilbert Sadsad, na malabo nang maapektuhan o i-atras ang pasukan, kailangan na aniyang matuto ng mga estudyante  sa loob ng silid aralan kailangan lamang mag-ingat.

97% ng mga guro sa Bicol ang bakunado na laban sa naturang sakit.

Leave a Reply

Your email address will not be published.