Aktibong kaso ng covid 19 sa Isabela, bumaba na sa 1,715

Bumaba na sa 1,715 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Isabela matapos makapagtala ng 186 na bagong recoveries.

Batay sa inilabas na datos ng Isabela PIO, nakapagtala ngayong araw ang probinsya ng karagdagang 100 kaso.

Mula sa bagong kaso, pinakamarami rito ang Santiago City na may 41, na sinundan ng Angadanan na my 13, Delfin Albano na may 10, Reina Mercedes at Naguilian na may anim at Cauayan City na may 4.

Nangunguna naman ang lunsod ng Cauayan sa kabuoang datos ng aktibong kaso kung saan pumalo na ito sa 224.

Naidagdag din ngayong araw ang dalawang nasawi may kaugnayan sa COVID-19 kung saan umabot na sa 653 ang kabuoang bilang ng nasawi sa probinsya.

Ang naturang datos ay base sa ibinigay ng Regional Epidemiology Surveillance Unit, MESU, CESU at PESU.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *