Aktibong kaso ng COVID-19 sa Naga nitong Sabado umabot sa 47

NAGA CITY- Umabot sa 47 ang kaso ng COVID-19 sa Naga City nitong Sabado Abril, 29, 2023 base sa tala ng City Epidemiology and Surveillance Unit.

Pinaka marami ang Barangay Del Rosario at Bagumbayan Sur na may limang active cases. Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Rowena  Macapagal,  Barangay Health Worker, pinaalalahan nito ang publiko na iwasan ang kumpulan lalo na tulad ngayon walang pasok sa klase at sa opisina ng pamahalaan dahil Labor Day.  Mas mainam aniya kung nag susuot pa rin ng facemask sa matatong lugar.

Pinawi ng Naga City Government ang pag-aalala ng ilan dahil ang mga kasong ito ay mild lamang.

Kung may sintomas ; magpahinga , kung lalabas ay mag facemask upang mabawasan ang tiyansa na makahawa sa iba.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *