Aktibong kaso ng COVID-19 sa probinsya ng Sorsogon umakyat na sa 6

SORSOGON CITY–Umabot na sa anim ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Sorsogon matapos makapagtala ng isang panibagong kaso kahapon.
Sa ulat ng Provincial Health Office, ang bagong kaso ay isang 34-anyos na lalaki mula sa Barangay Bibincahan sa lungsod ng Sorsogon.
Sa kabuuan ay nasa 8,358 na ang naitalang kaso ng sakit sa lalawigan kung saan 7,877 na nito ang mga gumaling, 475 ang nasawi at anim ang nananatiling aktibo.
Sa ngayon ay patuloy ang COVID-19 vaccination efforts ng Department of Health (DOH) katuwang ang mga RHU at mga Barangay Health workers upang maabot ang 80% ng target population sa lalawigan.

Leave a Reply

Your email address will not be published.