Aktor na si Dindo Arroyo, arestado sa kasong cybercrime

Nahuli ng mga otoridad sa bisa ng arrest warrant of arrest sa Biñan, Laguna si ng aktor na si Dindo Arroyo, o Conrado Manuel Ambrosio II, sa tunay na buhay, dahil sa kasong may kaugnay sa cybercrime.

Ayon sa Laguna Police Provincial Office (PPO), ang arrest warrant laban kay Dindo, 61-anyos, ay inilabas ng Regional Trial Court Branch 101 ng Santa Rosa City, Laguna.

Nahaharap ang aktor sa kasong paglabag sa Republic Act No. 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012 (two counts), na may kaukulang piyansa na P10,000 sa bawat kaso.

Sa ngayon, nakakulong si Dindo sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Biñan City.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *