Akusado sa kasong serious physical injuries sa Daraga, Albay, arestado na ng mga otoridad matapos ang 9 na buwan

LEGAZPI CITY – Nasa kamay na ng mga otoridad ang lalaki na may kinakaharap na kasong ‘serious physical injuries’ sa bayan ng Daraga, Albay matapos ang siyam na buwan.

Ang akusado na kinilalang si John Eugene Araña y Meneses, residente ng Purok 4, Brgy. Bañag ng nasabing bayan ay nahuli sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Jason Rodenas, MTC Presiding Judge noong Agosto 12 ng nakaraang taon para sa nasabing kaso.

Nagkakahalaga namang labingwalong libumpiso ang piyansang inirekomenda ng korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ito ng pulisya para sa kaukulang disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *