Al-Shifa Hospital sa Gaza, idineklarang death zone ng WHO

Idineklarang death zone ng World Health Organizations (WHO) ang Al-Shifa Hospital sa Gaza.

Bukod dito, inilarawan din ng WHO bilang ‘desperate situation’ ang nasabing lugar.

Ayon sa WHO, kulang sa tubig, langis, at maging sa pagkain ang ospital sa loob ng anim na linggo ay naging sanhi ng pinakamalaki at pinaka-advanced na ospital sa Gaza na huminto sa paggana bilang isang pasilidad na medikal.

Pinamamadali ng ahensya at partners nito na gumawa ng plano para agarang makalikas ang mga natitirang pasyente, staff at mga pamilya sa naturang ospital.

Nabatid na 291 ang pasyente; habang 25 health workers ang nanatili sa nasabing hospital.

PHOTO COURTESY: Reuters

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *