Alak na patok na patok sa Cambodia hinahaluan pala ng Tarantula

KAKAIBA ang alak na matatagpuan sa Cambodia, dahil kung ang iba ay pinasasarap ang kanilang mga alak sa pamamagitan ng masusing pag-iimbak at pangangalaga, sa Cambodia ang kanilang sikreto para sa masarap na alak ay ang pagbabad dito ng tarantula.

Ang nasabing alak ay gawa umano sa bigas habang inilalagay naman sa botelya ang mga kakapatay lang na mga tarantula at duon ibababad ng matagal sa rice liquor.

Ayon sa gumagawa ng ganitong klaseng alak sa nasabing bansa ito ay patok na patok sa mga mamimli dahil sa kakaibang flavor na dala ng tarantula sa alak.

Samantala hindi na bago sa Cambodia ang pagkain ng mga tarantulas ang iba nga ay dinideep fried pa ang mga ito at ibinebenta ng $1 kada piraso.###CD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *