Albay 1st District Engineering Office, consistent bilang Top Performer sa Bicol Region

LEGAZPI CITY – Ikinatutuwa ng buong empleyado ng Albay District Engineering Office na consistent ito pagdating sa Top Performance sa mga district offices sa Bicol Region matapos muling makuha ang Certificate of Recognition.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Allan Imperial, Chief Human Resource and Administrative Section at kasalukuyang Public Information Officer ng nasabing ahensya, sinabi nito na ang sertipikasyon na kanilang nakuha mula sa DPWH ay nagpapatunay na inaayos nila ang kalsada para sa mga motorista o biyahero.

Kung ikukumpara umano sa iba, sila ang walang makikitang butas at lubak-lubak na kalsada magmula sa bayan ng Sto. Domingo hanggang sa Tiwi.

Nais kasi ng pamunuan na maayos, komportable at ligtas ang pagbabyahe ng mga pasahero o motorista. Sinabi pa ng opisyal, hindi lang ang kalsada ang kanilang pinaprayoridad kundi maging ang mga tulay ay kanilang pinapalawak upang hindi magkaroon ng decongestion sa kalsada.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *