Albay 2nd District Rep. Salceda, isinusulong ang paglipat ng NGCP towers para sa expansion ng runway ng BIA

LEGAZPI CITY – Isinusulong ni House Committee on Ways and Means Chairman at Albay 2nd District Rep. Joey Sarte Salceda ang relokasyon ng mga towers ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) para mas mapalawak ang runway ng Bicol International Airport (BIA).

Sa ipinadalang liham ng nasabing kongresista kay Trasportation Sec. Jaime Bautista, ang naturang desisyon para sa relokasyon ng NGCP towers  ay nagsimula nitong Pebrero 7 matapos ang pakikipagpulong sa transport officials tungkol sa kalagayan ng international flights sa BIA.

Binigyang-diin nito sa liham ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na kinakailangan nang ma-relocate ang towers ng NGCP na nakakaharang umano sa runway expansion ng naturang paliparan.

Hiniling nito sa DOTr na maglaan ng PHP 600M hanggang PHP 700M na pondo para sa relokasyon ng mga towers upang ma-accomodate ang international flights sa nasabing paliparan.

Hindi naman nabanggit ng kongresista kung saan ang relokasyon ng NGCP Towers.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *