Albay Dairy Plant, naglagay ng iba’t ibang makinarya at kagamitan para sa modernisasyon ng planta

LEGAZPI CITY – Inihayag ng Albay Dairy Plant na naglagay sila ng iba’t ibang mga makinarya, apparatus at iba pang mga kagamitan upang ma-modernize ang planta.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Engr. Ninive Latigay, manager ng nasabing planta, sinabi niyang nagdownload ang Department of Science and Technology (DOST), alinsunod sa memorandum of agreement, ng halos PHP 12M halagang pondo sa Pamahalaang Panlalawigan dahil ang kanilang planta ay isang proyektong pagmamay-ari ng pamahalaan.

Aniya, dito umano galing ang budget na ginamit upang magkaroon bagong mga makinarya at ilan pang mga kagamitan.

Naging malaking tulong umano ang pagbisita ng DOST sa planta upang mas lalo pang tumaas ang kapasidad nito lalung-lalo na’t kinakailangan ito upang makiisa sa iba’t ibang milk feeding programs sa lalawigan. Maliban pa rito, nagkaroon pa sila ng installation ng micro-laboratory, kung saan maaari itong maging educational platform sa mga future professionals na may chemistry at food-related courses, at upang magkaroon ng seguridad pagdating sa food safety at food quality ng mga produktong gatas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *