Albay Gov. Lagman, may pahayag hinggil sa nationwide transport strike ngayong araw

LEGAZPI CITY – Naglabas kahapon ng pahayag si Albay Governor Atty. Edcel “Grex” Lagman kaugnay ng nationwide public transportation strike na epekti8bo ngayong araw.

Ayon sa gobernador, nirerespeto niya ang lahat ng mga transport group na sa kanilang paninindindigan tungkol dito at bilang isang abogado, kinikilala niya umano ang kanilang mga karapatan alinsunod sa nakasaad sa konstitusyon na: una, karapatang mag-freely associate sa mga organisadong mga kasamahan; pangalawa, karapatang ipaalam sa publiko ang kanilang mga hinaing tungkol sa isyu ng modernisasyon ng mga transport sector; at ang karapatang gumawa ng paraan katulad ng strike bilang kanilang “ultimate expression of these rights”.

Sa kabila nito, kaniya naman umanong sinisiguro sa mga Albayano na ang kaniyang opisina ay palaging “hands-on” lalung-lalo na pag-dating sa mga reports, kung kaya walang dapat ikabahala dahil gagamitin nila ang buong pwersa para sa pagbibigay ng suporta at tulong sa kung ano man ang mangyari dahil sa transport strike na ito.

Sinabi rin niya, ang kaniyang numero unong prayoridad ay ang kaligtasan at kaginhawaan ng mga Albayano commuters at doon lamang niya umano itutuon ang kanyang isang daang porsyentong atensiyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *