Albay Gov. Lagman, nananawagan sa mga member-consumers ng ALECO na makiisa sa gagawing right of way clearing operation sa lalawigan

LEGAZPI CITY – Hinikayat ni Albay Governor Atty. Edcel “Grex” Lagman ang mga member-consumer ng Albay Electric Cooperative (ALECO) na makipagtulungan at makiisa sa mga hakbang na isinasagawa upang masiguro ang patuloy na suplay ng kuryente sa lalawigan. 

Ang panawagan ay kaugnay ng nakatakdang right-of-way clearing operation ng binuong task force mula sa ibat-ibang kooperatiba sa rehiyon sa pangunguna ng Bicol Electric Cooperative Association (BECA).

Ayon sa gobernador na una nang nagsumikap na huwag maputulan ang Albay nitong nakalipas na buwan, buhay na buhay ang bayanihan sa lalawigan subalit  mas magiging makabuluhan ito kung ang unang hakbang ay magmumula mismo sa mga member-consumer.

Inaasahang sa gitna ng clearing operation, mararanasan din ang ilang power service interruptions.

Kaugnay nito, pinasalamatan naman ng gobernador ang ALECO sa patuloy na pagsusumikap na maibigay ang mas magandang serbisyo sa publiko sa kabila ng mga pagsubok na kinakaharap lalo na sa pagkolekta ng singil sa kuryente.

Una nang isinagawa ang assessment at survey sa lalawigan kasunod ng briefing sa mga magsasagawa ng line clearing.

Napag-alamang ang mga vegetation at iba pang obstruction elements sa mga daanan ng power distribution lines ay may malaking ambag sa patuloy na pagtaas ng system loss at nararanasan na mga brownout sa lalawigan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *