Albay Gov. Lagman, wala pa umanong pormal na pahayag hinggil sa pagsususpinde ng operasyon ng mga small town lottery

Inihayag ni Albay Governor Edcel “Grex” Lagman na wala pa umano siyang pormal na pahayag tungkol sa resolusyon ng Sangguniang Panlalawigan na suspendehin ang operayon ng mga small town lotteries (STL).

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi sa gobernador, sinabi niyang bilang local chief executive ng lalawigan ay nais niya rin magkaroon ng pahayag ngunit sa ngayon ay wala pa.

Sinabi niya, sa ngayon, hangga’t wala pang ibinibabang kasulatan ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na kinakailangan nilang ihinto ay maaari pa rin silang magpatuloy sa operasyon.

Samantala, ayon din sa gobernador, sa oras na mayroon na siyang pormal na pahayag ay makakaasang malalaman ito ng publiko.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *