Albay Local Investment and Incentive code, isinailalim sa pagsusuri bago ang implementasyon

LEGAZP CITY – Isinailalim sa pagsusuri ang Albay Local Investment and Incentive Code bago ang tuluyang implementasyon nito.

Ang nasabing investment at incentive code ay sa sumasailalim sa Local Economic Development and Investment Promotions Office (LEDIPO).

Ang mabusising pagkilala at pagsusuri ay isinagawa sa Blue Room sa Albay Capitol nito lamang Huwebes, Hunyo 1, 2023.

Kung matatandaan, nito ring Mayo 23, 2023, nagkaroon rin ng pagpupulong ang mga opisyal ng LEDIPO para sa revitalization ng Local Investment and Incentive Code of 2019.

Ayon kay Local Economic Development and Investment Promotions Officer na si Jaymee Ribaya, sila umano ay nakikipagtutulungan sa Provincial Planning and Development Office sa ilalim ng acting PPDC Arnold Onrubia, sa pamamagitan ng pagsasagawa ng unang hakbang sa pagsasapinal ng bagong investment code para sa pagpapatupad sa hinaharap.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *