‘Albay Muna, Albay Naman’ program, muling binigyang-diin ng Albay Provincial Tourism and Cultural Arts Office

LEGAZPI CITY – Muling binalikan at binigyang-diin ng Albay Provincial Tourism and Cultural Arts Office (PTCAO) ang tungkol sa programang ALBAY MUNA.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Dorothy Colle ng PTCAO, sinabi niyang ang nasabing programa ay isang marketing strategy na ginagamit para sa mga promotional materials.

Aniya, sinimulan ang Albay Muna program noong magkaroon ng pandemya.

Kaya naman, hinakayat nila ang mga domestic na nasa Albay na gustong maglibot kahit sarado ang borders upang umulad ang turismo sa lalawigan. Dagdag pa ni Colle, ngayong hindi na gaanong mahigpit ang border controls sa lalawigan ay iniimbitahan na rin ang mga nasa labas nito na kung mayroon silang planong magbakasyon ay bibigyan nila ng konsiderasyon na gawing priority destination ang Albay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *