Local News

Albay PHO, naniniwalang mapapanatili ang COVID-19 alert level 1 status sa lalawigan

Inihayag ng Albay Provincial Health Office (PHO) na patuloy pa rin ang pagbaba ng mga kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Albay.

Ayon kay Dr. Nathaniel Rempillo, ang head ng nasabing opisina, bumababa pa rin umano ang mga kaso nito sa kabila man na may mga lugar sa rehiyon na ibinalik sa alert level 2 status.

Aniya, naniniwala siyang mapapanatili ng lalawigan ang pagiging alert level 1 nito dahil mataas na rin ang vaccination rate sa Albay.

Ngunit, hindi pa rin umanong dapat maging kampante ang mga Albayano sa pagbaba ng kaso ng nasabing sakit dahil may mga gatherings o aktibidad ang lalawigan kung saan dinadagsa ng mga tao.

Dahil dito, mino-monitor pa rin ng tanggapan ang mga ginagawang aktbidad sa lalawigan lalo’t nalalapit na ang kapaskuhan at ang pagsalubong sa bagong taon. Hinihikayat pa rin nito ang publiko na magpabakuna at magpa-booster upang mabigyan ng proteksyon laban sa malalang sintomas ng COVID-19.

BNFM Legazpi

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

23 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

23 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

23 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

23 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

24 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

24 hours ago