Albay PHO, planong magdagdag ng mas maraming health workers para palakasin ang mga serbisyo

LEGAZPI CITY – Pinaplano ng Provincial Government of Albay (PGA) na kumuha ng mas maraming manggagawang health workers bilang bahagi ng kanilang istratehiya sa pag-upgrade ng mga serbisyong pangkalusugan.

Ayon kay Dr. Nataniel Rempillo, Chief of Albay Provincial Health Office (PHO), ang mga interesadong aplikante ay maaaring magpadala ng kanilang resumé at iba pang kredensyal sa PHO o sa mga ospital na pinapatakbo ng gobyerno na pinakamalapit sa kanilang tirahan.

Aniya, kukuha ang probinsiya ng mas maraming health workers dahil inaasahan ng publiko ang pagtaas ng availability ng gamot, kagamitan, at human resources sa susunod na tatlong taon.

Dagdag pa rito, ang lalawigan ng Albay ay mayroong walong state-run hospitals sa probinsya at ang mga health workers na ito ay ide-deploy sa nasabing mga ospital dahil sa pagtaas ng demand.

Pinasalamatan naman ni Rempillo si Albay Provincial Governor Noel Rosal bilang isa sa kanyang mga pangunahing programa ay ang mapabuti ang serbisyong pangkalusugan hindi lamang ang gusali kundi pati mga human resources, logistical services tulad ng gamot, supply at upgrade ng mga kagamitan.

Kung matatandaan, sa unang pahayag ng gobernador, mayroong 17 mga bagong doktor at 87 mga rehistradong nurse ang kukunin.

Ani Rosal, magbibigay din ng increase sa sahod ng mga nurse at nursing aides, at karagdagang pondo para sa gamot.

Dagdag pa niya na ang frontline medical workers tulad ng nurses, nurse attendanta, at midwives na nasa job order status ay ipo-promote bilang mga kaswal na manggagawa ng pamahalaang panlalawigan at tatanggap ng mas mataas na base pay.

Sa pakikipagpulong sa mga pinuno ng ospital sa Albay nitong Lunes, sinabi ni Rosal na simula sa susunod na buwan, tatanggap ang mga nurse ng PHP15,400 buwanang sahod at PHP13,002 para sa mga midwife at nurse attendants.

Iminungkahi naman ni Dr. Cedric Daep, pinuno ng Albay Provincial Disaster Risk Management Office (APSEMO) at acting chief ng Provincial General Services Office (PGSO) na lahat ng mga gamot na binibili ng pamahalaang panlalawigan ay direktang ihahatid sa mga ospital.

Leave a Reply

Your email address will not be published.