Albay PPO, nagpaalala sa mga pamilyang aalis sa kanilang tahanan upang magbakasyon

LEGAZPI CITY – Nagpaalala ang Albay Police Provincial Office (PPO) sa mga pamilya na lilisan mula sa kani-kanilang tahanan ngayong Semana Santa.

Ayon kay Albay PPO Spokesperson, PCapt. Kharren Perillo Rañola, kung ang bawat pamilya ay nagbabalak na magbakasyon ngayong Holy Week, kailangan tiyakin na walang naiwang nakasaksak na mga appliances sa upang maiwasan ang sunog.

Maliban pa rito, tiyakin din na dapat walang nakabukas na kandila sa kanilang tahanan at nakasarado rin dapat ang mga tangke ng gas.

Dapat siguraduhin ding nakatago nang maayos ang kanilang gamit at bago umalis, dapat na maaayos na nakasarado ang lahat na pintuan ng bahay.

Maaari namang magbilin sa pinagkakatiwalaang kapit-bahay na tingnan ang kanilang tahanan sakaling mayroong taong kahina-hinala na papasok ng bahay upang mapagsumbong agad sa kinauukulan.

Tiniyak din ng opisyal, ang mga kapulisan ay mag-iikot sa mga barangay at inabisuhan din ang mga barangay tanod na mag-ikot din upang masiguro na walang mapagsamantalang taong magnanakaw sa barangay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *