Albay PSWDO, pinangunahan ang pagdiriwang ng 2023 National Family Week Celebration

LEGAZPI CITY – Pinangunahan ng Albay Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) ang pagdiriwang ng 2023 National Family Week Celebration sa pamamagitan ng FaMealy Day na ginanap sa Albay Farmers Bounty Village, Cabangan, Camalig, Albay.

Itinampok sa pagdiriwang na ito ang isang paligsahan sa pagluluto kasama ang mga piling pamilyang mga kalahok.

Ipinakita ng mga magulang ang kanilang galing sa pagluluto at pinagsaluhan ang mga pagkaing inihanda nila sa pamamagitan ng boodle fight. Inihayag din ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang tatlong nanalo ng Provincial Huwarang Pantawid Pamilya Pilipino Program.

Ito ay ang Imperial Family mula sa Pio Duran, ang Bercasio Family mula sa Bacacay, at ang Orfano Family mula sa Guinobatan.

Nagpasalamat naman ang Albay PSWDO sa Albay Provincial Agricultural Office (APAO) sa pagbibigay ng activity venue at iba pang kinakailangang logistics na lubos na nakatulong sa mga kalahok.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *