Albay PTCAO, nilinaw na walang kinalaman ang kanilang tourism video sa isyu tungkol sa promotional video ng DOT

LEGAZPI CITY – Nilinaw ng Albay Provincial Tourism Culture and the Arts Office (PTCAO) na ang paglabas nila ng promotional video ng Bulkang Mayon ay walang kinalaman sa isyu ng hindi pagsama ng Department of Tourism (DOT) sa nasabing Bulkan sa kanilang opisyal tourism video.

Ang naturang promotional video ay mayroon na ngayong 215,000 views, 11,000 reactions, mahigit 300 comments at 4,900 na shares.

Tampok sa promotional video ng PTCAO ang ganda ng bulkan at ang iba’t ibang tourist destinations sa buong lalawigan.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay PTCAO head, Dorothy Colle, sinabi nito walang kinalaman ang paglabas ng kanilang opisina sa isyu sa DOT.

Kung matatandaan, umugong ang magkaibang opinyon ng dalawang kongresista sa lalawigan patungkol sa hindi pagsama ng ahensya sa bulkan sa tourism video nito.

Naglabas ng hinaing si 2nd District Rep. Joey Salceda at tinawag nito ang atensyon ni Tourism Secretary Christina Frasco at sinabing dapat na kasama ang bulkan sa nasabing tourism video na sinalungat naman ni 1st District Rep. Edcel Lagman at sinuportahan pa ang kalihim laban kay Salceda.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *