Albay Rep. Joey Salceda, itinanggi itatalaga siya bilang Finance Secretary

Itinanggi ni Albay Representative Joey Salceda ang mga ulat na itatalaga siya bilang kalihim ng finance, na papalit kay incumbent Benjamin Diokno.

Ayon sa chairman ng House Committee on Ways and Means, na kontento na siya sa pangunguna sa fiscal strategies ng administrasyon na kanyang nakatrabaho simula noong 2006.

Giit nito, na hindi nakikialam o nang-aagawa sa trabaho ng iba.

Paliwanang ng mambabatas, na mula fiscal reforms of 2003-2006 sa economic reforms noong 2008 global financial crisis ng Duterte-era CTRP (Comprehensive Tax Reform Program), hanggang ngayon, ang nagtrabaho siya kasama ang Secretary of Finance, at hindi bilang Secretary of Finance.

Nangako naman si Salceda na patuloy na makikipagtrabaho kay Diokno.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *