Albay young farmers program, kinilala bilang isang club accreditation certified official recognition ng UNESCO sa taong 2022

LEGAZPI CITY – Opisyal na ngayong kinilala ang Albay Young Farmers Program bilang isang club accreditations certified officials recognition ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) para sa taong 2022, kung saan aabot sa 47 ang nabigyan ng accreditation mula sa 125 na mga applikante.

Tiniyak ng UNESCO na ipaprayoridad ang pagbibigay ng suporta sa nasabing organisasyon upang makatulong sa mga programang pang-adbokasiya at iba pa.

Ang AYFP ay isang programa para sa edible landscapping na gumagawa ng iba’t ibang inisyatibo at gawaing may kaugnayan sa pang-agrikultural na aspeto upang mapalawak ang kaalaman at mapatibay ang pagbibigay ng kahalagahan.

Ibibigay ang sertipikasyon ng UNESCO sa nabanggit na organisasyon sa darating na Disyembre 9-11, 2022 sa International Assembly of Youth for UNESCO (Y4U).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *