Alec Baldwin, ituturn over ang cellphone na bahagi ng movie set shooting probe – lawyer

Inihayag ng abogado ni Alec Baldwin na itu-turn over ng aktor ang kanyang cellphone, bilang bahagi ng imbestigasyon sa madugong pamamaril sa cinematographer sa movie set ng Western “Rust.”

Ayon kay Aaron Dyer, abogado ni Baldwin nagkasundo sila ng New Mexico authorities na ibigay ang naturang telepono, matapos ang ilang ginawang hakbang para maprotektahana ang privacy ng aktor kaugnay sa naturang usapin na walang kaugnayan sa “Rust” investigation.

Sa gitna nito, binigyang diin ng abogado na patuloy ang kooperasyon ni Baldwin sa mga otoridad at ang anumang pahayag na taliwas dito ay walang katotohanan.

Ang naturang pahayag ay kasunod ng news release mula sa Santa Fe County Sheriff’s Office na nagsasabing, hindi nagcomply si Baldwin sa search warrant na hinihiling sa kanya na ibigay ang kanyang phone.

Una nang inamin ni Baldwin na may hawak siyang revolver sa film set nang pumutok ang live round na ikinasawi ng cinematographer na si Halyna Hutchins, pero itinanggi nitong kinalabit niya gatilyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *