ALECO, aminadong luma na ang distribution system at kailangan na ng rehabilitation

LEGAZPI CITY – Aminado ang Albay Electric Cooperative (ALECO) ma luma na ang distribution system nila at kailangan na ng rehabilitation.

Ito rin ay pinabulaanan at ipinaliwanag ng mga opisyal ng ALECO sa isinagawang meeting na pinangunahan nina ALECO Legal Counsel na si Atty. Ian Macasinag; Member Services Division Chief na si Candy Apostol; Technical Services Department Manager na si Engr. Mark Jessan Lucilo; Acting General Manager na si Wilfredo O. Bucsit at Hermie Alilano, Area Services Department Manager ng kooperatiba.

Humihingi rin ng suporta ang ALECO sa publiko higit pa sa mga konsumidor, na unawain at suportahan umano ang mga rehabilitation activities na kanilang isinasagawa.

Ito umano ay para rin sa pagpapaganda ng serbisyo at hindi maaaring madaliin ang rehabilitasyon.

Sa ngayon ay nagsasagawa pa rin ang tanggapan ng clearing operation at ng pagsasaayos ng mga linya ng kuryente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *