ALECO, binigyang-diin na hindi lehitimo ang isinagawang ‘AGMA’ ng ilang indibidwal na konsumidor sa Legazpi City

LEGAZPI CITY – Binigyang-diin ng Albay Electric Cooperative, Inc. (ALECO) na hindi lehitimo ang isinagawang Hybrid Annual General Membership Assembly (AGMA) ng ilang mga indibidwal na konsumidor nito lamang Sabado, Hulyo 1, sa Brgy. Cabagñan, Legazpi City.

Ayon sa ALECO, alam nilang may isasagawang AGMA ang ilang mga residente ngunit paulit-ulit silang nagpaalala sa publiko na hindi ito lehitimo.

Isa sa mga dumalo at nanguna sa AGMA ay si Engr. Vergillo Perdigon, Jr. na nagpasalamat naman sa lahat ng dumalo sa isinagawang assembly.

Ayon kay ALECO Acting General Manager Engr. Wilfredo Bucsit, hindi nila kinikilala ang isinagawang AGMA ng grupo ni Engr. Perdigon.

Ayon pa sa kooperatiba, ang totoong AGMA 2022 ay gaganapin pa lamang sa darating na Hunyo 15 alas 10:00 ng umaga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *