Alert status sa Mount Semeru sa Indonesia, inilagay sa pinakamataas na antas matapos sumabog

Sumabog kahapon ang Mount Semeru sa Indonesia na nag-udyok sa mga awtoridad na itaas ang alert status ng bulkan sa pinakamataas na antas.

Ang pagsabog ng pinakamataas na bundok sa pangunahing isla ng Java at 800 kilometers sa timog-silangan ng kabisera ng Jakarta ay nagbunsod ng paglikas ng mga tao na nakatira malapit sa bundok.

Walang naiulat na nasawi o nasugatan matapos ang pagsabog ngunit binalaan ng Volcanology and Geological Disaster Mitigation Center ang mga kalapit na residente na huwag bumiyahe sa loob ng walong kilometro mula sa crater matapos itaas ang threat level.

Huling sumabog ang Mount Semeru eksaktong isang taon na ang nakalilipas na ikinamatay ng hindi bababa sa 51 katao.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *