Alerts at mga abiso sa Camalig, Albay, libre nang matatanggap via text message

LEGAZPI CITY – Libre nang makakatanggap ang mga residente ng bayan ng Camalig ng mga mahahalagang abiso ng lokal na pamahalaan gamit ang text message.

Sa impormasyon mula sa LGU, ito ay sa pamamagitan ng kanilang inilunsad na ‘infocast’ o text blast directory, kung saan makakatanggap sila ng mga mensaheng naglalaman ng mahahalagang abiso nang libre o nang hindii nababawasan ang kanilang load subscription.

Upang maka-avail nito, kinakailangan lamang na i-komento ang mga mobile numbers sa kanilang post sa social media.

Mahigpit naman na paalala nila, ang infocast ay para lamang sa mga SMART users na residente ng nasabing bayan.

Samantala, mananatili namang pribado anumang personal na detalye ang ilagay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *