Alex Eala, sasabak sa qualifying round ng 2023 Australian Open

Pinaghahandaan na ni Alex Eala qualifying rounds ng Australian Open na nakatakda sa Enero 9-12 sa Melbourne.

Ito ang pinakamahirap na hamon para sa 17-taong-gulang na Filipina sensation sa kanyang  karera sa ngayon.

Noong Setyembre, iniukit ni Eala ang kasaysayan bilang kauna-unahang Filipina junior grand slam champion matapos maghari sa prestihiyosong US Open sa New York City.

Ito rin ang kanyang unang solong Slam matapos manalo sa 2020 Australian Open at 2021 French Open doubles tournament.

Kasalukuyang nasa ranked 214 si Eala sa Women’s Tennis Association rankings.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *